By clicking the BUY IT NOW button, you agree to the delivery
DELIVERY AND SHIPPING POLICIES & DATA PRIVACY.
Please check your email or mobile phone for order confirmation and payment instructions. Thank you.
Ang tan-aw ay isang pangngalan mula sa mga wikang Hiligaynon, Cebuano, at Waray na katumbas ng salitang tingin sa wikang Tagalog
Binibigyang diin ang pagpapatuloy, pagsusulong, at pagpapayabong ng pag-unawa sa ugnayan ng wika at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga napapanahong estratehiya sa pagkatuto sa konteksto ng mga mag-aaral sa Pilipino
Nakapokus sa mga kasanayan sa komunikasyon sa pamamagitan ng mga aralin, gawain, at pagtataya na inaasahang hahasa sa mga mag-aaral sa pagtingin at kamalayan sa sariling wika
Nahahati sa apat na yunit na tumutulay sa mga batayang konseptong pangwika at pang-komunikasyon, kasaysayan ng wikang pambansa, mga sitwasyong pangwika kaugnay ng wikang pambansa, tungo sa paunang mga konsepto at kasanayan sa maka-Pilipinong pananaliksik
Authors:
ROBERTO D. AMPIL, PhD
ay kasalukuyang Associate Professor III at Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay nagtapos ng kaniyang Bachelor of Secondary Education, major sa Filipino, sa University of the East-Manila. Nakamit niya ang kaniyang MA sa Pagtuturo ng Filipino at Doktorado sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Siya ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa pagsulat ng sanaysay sa Gawad Collantes ng Komisyon ng Wikang Filipino noong 2001 at Most Outstanding Teacher ng Division of City Schools of Manila noong 2001.
WENNIELYN F. FAJILAN, PhD
ay labindalawang taon nang nagtuturo ng Filipino sa Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ang punong editor ng Hasaan: Opisyal na Journal sa Filipino ng UST, Instructor V sa Departamento ng Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon sa nasabing unibersidad. Natapos niya ang kaniyang Doktorado sa Filipino, major sa Pagsasalin, sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Doon din niya nakamit ang kaniyang MA sa Araling Pilipino, maging ang kaniyang Bachelor of Arts degree sa nasabing kurso at nagtapos bilang cum laude.
Copyright:
2016